JAHZEIAS
[Masdan Nawa ni Jah; Minasdan ni Jah].
Isa na marahil ay sumalansang sa panukala ni Ezra na paalisin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga asawang banyaga at ang mga anak na ipinanganak sa kanila; anak ni Tikva. (Ezr 10:3, 10, 11, 15) Gayunman, iminumungkahi na ang pagsalansang na ito nina Jahzeias at Jonatan ay hindi laban sa mungkahi ni Ezra kundi laban sa pamamaraang pinagtibay sa pagsasagawa nito. Sang-ayon sa Griegong Septuagint at Latin na Vulgate, si Jahzeias at ang iba pa ay tumulong sa halip na sumalansang kay Ezra. Kaya, isa pang salin ng Ezra 10:15 ang nagsasabi na sina Jonatan at Jahzeias “ang mga gumanap bilang kinatawan alang-alang dito.”—Tlb sa Rbi8; tingnan din ang KJ; AS, tlb; Dy; Kx.