JAPLETEO, MGA
[Ni (Kay) Japlet].
Isang sinaunang bayan na naninirahan sa teritoryo sa hangganan ng Efraim nang lumipat ang mga Israelita sa Lupang Pangako. (Jos 16:3) Walang katibayan ng kasaysayan upang iugnay ang mga Japleteo sa mga inapo ni Aser na pinanganlang Japlet. (1Cr 7:30, 32) Ang sekular na kasaysayan ay walang inilalaang karagdagang impormasyon tungkol sa kanila.