JECONIAS
[Itinatatag ni Jehova Nang Matibay].
Hari ng Juda sa loob lamang ng tatlong buwan at sampung araw bago siya dinalang bihag sa Babilonya ni Nabucodonosor noong 617 B.C.E.; anak ni Jehoiakim at apo ng mabuting hari na si Josias. (1Cr 3:15-17; Es 2:6; Jer 24:1) Paminsan-minsan ay pinaiikli ang pangalan niya bilang Conias. (Jer 22:24; 37:1) Kung minsan ay binabaybay ito sa ibang salin bilang Yekonias (Mat 1:11, 12, BSP), ngunit kadalasan ay lumilitaw ito bilang Jehoiakin.—2Ha 24:6, 8-15; tingnan ang JEHOIAKIN.