JEDIAEL
[Nakikilala ng Diyos [ang Isang Ito]; Kilala ng Diyos].
1. Isang anak ni Benjamin. Ang mga inapo ni Jediael noong isang pagkakataon ay may bilang na 17,200 magigiting at makapangyarihang lalaki. (1Cr 7:6, 10, 11) Malamang na siya rin ang anak ni Benjamin na si Asbel.—Gen 46:21; tingnan ang ASBEL, MGA ASBELITA.
2. Isa sa ilang mandirigma at lider na mula sa tribo ni Manases na sumama sa hukbo ni David habang nagkakampo ito sa Ziklag. (1Cr 12:20, 21) Posibleng siya rin ang Blg. 3.
3. Isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David; anak ni Simri.—1Cr 11:26, 45; tingnan ang Blg. 2.
4. Isang bantay ng pintuang-daan ng bahay ni Jehova, inatasan noong panahon ng paghahari ni David. Siya ang ikalawang anak ng Korahitang si Meselemias.—1Cr 26:1, 2.