JEHOZADAK
[malamang, Inaaring Matuwid ni Jehova], Jozadak [pinaikling anyo ng Jehozadak].
Ang mas maikling anyo ay ginamit sa Nehemias; ang mas mahabang anyo naman ay ginamit sa ibang bahagi ng Kasulatan.
Ama ng mataas na saserdoteng si Jesua (o Josue). (Ezr 3:2; Hag 1:12; Zac 6:11) Si Jehozadak ay dinala sa pagkatapon pagkatapos na patayin ni Nabucodonosor ang kaniyang ama, ang punong saserdoteng si Seraias, kung kaya sa pamamagitan niya ay naingatan ang linya ng mga mataas na saserdote.—1Cr 6:14, 15; 2Ha 25:18-21; Ne 12:26.