JEIEL
1. Isang inapo ng anak ni Jacob na si Ruben.—1Cr 5:1, 7.
2. Isang Benjamita na namayang kasama ng kaniyang pamilya (asawang si Maaca at sampung anak) sa Gibeon; isang ninuno ni Haring Saul. (1Cr 8:29; 9:35-39) Lumilitaw na siya rin si Abiel.—1Sa 9:1; tingnan ang ABIEL Blg. 1.
3. Isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David; anak ni Hotam na Aroerita.—1Cr 11:26, 44.
4. Isang Levita, kapuwa isang bantay ng pintuang-daan at isang manunugtog, na nakibahagi sa musikal na pagdiriwang noong unang dalhin sa Jerusalem ang Kaban at pagkatapos nito ay tumugtog sa harap ng tolda na kinaroroonan ng Kaban.—1Cr 15:17, 18, 21, 28; 16:1, 4, 5 (ang ikalawang paglitaw ng pangalang iyon sa tal 5).
5. Isa pang Levitang manunugtog na nagsagawa ng mga paglilingkod na katulad niyaong sa Blg. 4. (1Cr 16:5, ang unang paglitaw ng pangalang iyon sa talatang ito) Tinatawag siyang Jaaziel sa 1 Cronica 15:18 at Aziel sa 15:20.
6. Isang Levitikong inapo ni Asap at ninuno ng Levita na nagpatibay-loob kay Haring Jehosapat at sa mga tumatahan sa Juda at Jerusalem na huwag matakot sa kanilang mga kaaway, sapagkat si Jehova ay sasakaniyang bayan.—2Cr 20:14-17.
7. Ang kalihim na nagrehistro at bumilang sa hukbo ni Haring Uzias.—2Cr 26:11.
8. Isa sa mga pinunong Levita na nagbigay ng napakalaking abuloy na mga hayop para sa pagdiriwang ng dakilang Paskuwa na isinaayos ni Haring Josias.—2Cr 35:1, 9.
9. Isang inapo ni Adonikam na naglakbay na kasama ni Ezra mula sa Babilonya patungong Jerusalem noong 468 B.C.E.—Ezr 8:1, 13.
10. Isa sa mga anak ni Nebo na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak noong mga araw ni Ezra.—Ezr 10:43, 44.