Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Hudisyal na Pasiya”
  • Hudisyal na Pasiya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hudisyal na Pasiya
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Hatol
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Sanedrin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Matatanda, Humatol Kayo na may Katuwiran
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Manampalataya—Magdesisyon Nang Tama!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Hudisyal na Pasiya”

HUDISYAL NA PASIYA

Hatol na iginagawad niyaong (mga) may awtoridad. (2Sa 8:15; 1Ha 3:16-28; 10:9; 2Ha 25:6; 2Cr 19:8-10) Ang Diyos na Jehova, bilang Hukom, Tagapagbigay-Batas, at Hari (Isa 33:22), ay nagbigay sa bansang Israel ng isang malawak na kodigo ng mga kautusan. Ang kaniyang mga pasiya sa mga usapin na may kinalaman sa kautusan ay nagsilbing mga panuntunan para sa pagpapasiya sa mga usaping may kaugnayan sa mga indibiduwal at sa panloob at panlabas na mga gawain ng bansa.​—Tingnan ang HUKUMAN; KAUTUSAN; USAPIN SA BATAS.

Ang marami sa mga hudisyal na pasiyang ito ay ibinigay sa bansang Israel sa Bundok Sinai. (Ne 9:13) Ngunit kung minsan, may ilang partikular na situwasyon na nangangailangan ng pantanging hudisyal na pasiya. Halimbawa, nang mamatay ang Manasitang si Zelopehad na nagkaanak lamang ng mga babae, bumangon ang isang suliranin hinggil sa kung dapat bang tumanggap ng mana ang mga anak na ito. Naggawad noon si Jehova ng isang pasiya na sumaklaw sa kasong iyon at pagkatapos ay nagsilbing batas sa pag-aasikaso ng mga situwasyong kagaya nito. (Bil 27:1-11; 36:1-12; tingnan din ang Lev 24:10-16.) Sa katulad na paraan, nagsilbing legal na saligan ang hudisyal na pasiyang ibinigay ni David may kinalaman sa pamamahagi ng mga samsam sa digmaan.​—1Sa 30:23-25.

Sa pagtatalaga sa ilang pangkaraniwan ngunit lubhang nakapipinsalang mga gawa bilang mga kasalanang may parusang kamatayan, ang bigay-Diyos na mga hudisyal na pasiya ay napatangi sa gitna ng mga kautusan ng mga bansang kapanahon nito. Noon, ang mga bayan sa palibot ay nagsasagawa ng bestiyalidad, sodomiya, insesto, at iba pang mahahalay na gawain na nakapipinsala sa mental, pisikal, at espirituwal. (Lev 18:6-30; 20:10-23) Kaya naman kung susundin, maitataas sana ng mga hudisyal na pasiya ni Jehova ang kalagayan ng bansang Israel. Dahil sa pagpapala ni Jehova, ang mahigpit na pagsunod ng Israel sa kaniyang mga utos ay magbubunga sana ng kapansin-pansing mga pakinabang, anupat sasabihin ng ibang mga bansa: “Ang dakilang bansang ito ay walang alinlangang isang bayan na marunong at may unawa.” (Deu 4:4-6) Yamang ang mga ito ay talagang pagpapala para sa Israel (Lev 25:18, 19; Deu 4:1; 7:12-15; 30:16), hindi kataka-takang ipinanalangin ng salmista na maituro nawa sa kaniya ang mga hudisyal na pasiya ni Jehova. (Aw 119:108) Lubha niyang pinahalagahan ang mga ito anupat pitong ulit niyang pinupuri si Jehova sa isang araw dahil sa Kaniyang mga hudisyal na pasiya (Aw 119:164), at bumabangon pa nga siya sa hatinggabi upang pasalamatan ang Diyos dahil sa mga ito.​—Aw 119:62.

Gayunman, ang mga hudisyal na pasiya ng Kautusan, bagaman mabuti, matuwid, at banal, ay nagsilbing tagapagturo lamang na umaakay tungo kay Kristo. Ang tipang Kautusang ito ay hinalinhan ng bagong tipan. (Ro 7:12; Gal 3:24; Heb 8:7-13) Kaya naman maaasahan na ang pagsunod sa mga utos, o mga hudisyal na pasiya, na nauugnay sa bagong tipan ay magbubunga ng mas malalaking pagpapala kaysa roon sa mga naranasan ng likas na Israel sa ilalim ng Kautusan.​—Ju 13:34, 35; 1Co 6:9-11; 1Pe 1:14, 15, 22, 23; 2:9, 10; 1Ju 5:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share