KAIWAN
Lumilitaw na isang diyos-bituin, yamang ginamit ang pangalang Kaiwan sa isang paralelismo kasama ng pananalitang “ang bituin ng inyong diyos.” (Am 5:26) Maliwanag na ang tinutukoy rito ay ang bituing kaimanu o kaiwanu sa wikang Akkadiano, yamang lumilitaw ito sa mga inskripsiyong Akkadiano bilang pangalan ni Saturn (isang diyos-bituin). Sa tekstong Masoretiko, sadyang nilagyan ng tuldok-patinig ang pangalang ito upang tumugma sa salitang Hebreo na shiq·qutsʹ (kasuklam-suklam na bagay). Sa Griegong Septuagint, ang “Kaiwan” ay isinalin bilang Rhai·phanʹ, ipinapalagay na isang Ehipsiyong katawagan para kay Saturn. Sa pagsipi naman ni Esteban, sa Gawa 7:43, Rhom·phaʹ ang makikita sa tekstong Griego nina Westcott at Hort.—Tingnan ang ASTROLOGO; REPAN.