Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Kenizita”
  • Kenizita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kenizita
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Jepune
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kenaz
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kadmonita, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Caleb
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Kenizita”

KENIZITA

[Ni (Kay) Kenaz].

1. Miyembro ng isang di-Israelitang bayan na nasa Canaan o malapit doon na ang teritoryo ay ipinangako ni Jehova sa binhi ni Abram. (Gen 15:18, 19) Maliwanag na ang mga Kenizita ay lumipat sa Negeb mula sa TS, anupat posibleng nangalat sa isang bahagi ng Edom at gayundin sa lugar na naging timugang Juda, at ginawa nila iyon bago sakupin ng Israel ang Lupang Pangako.

Ang mga Kenizita ay iniuugnay ng ilang iskolar kay Kenaz na isang shik ng Edom na nagmula kay Esau sa pamamagitan ni Elipaz (Gen 36:15, 16), at sa gayon ay itinuturing bilang isang prominenteng pamilyang Edomita. Gayunman, hindi matiyak ang aktuwal na pagkakakilanlan ng ninuno sa panig ng ama ng mga Kenizita yamang walang ibinibigay na detalye ang Bibliya may kinalaman dito. Noong panahon ni Abram, ang pagbanggit ni Jehova sa mga Kenizita bilang kasama sa mga naninirahan sa teritoryo na magiging pag-aari ng binhi ni Abram (Gen 15:18, 19) ay hindi sumusuporta sa pangmalas na ang mga Kenizita ay mga inapo ni Esau, na hindi pa ipinanganganak noon.

2. Ang tapat na si Caleb ay tinatawag na “anak ni Jepune na Kenizita.” (Bil 32:12; Jos 14:6, 14) Si Jepune ay maaaring nagmula sa isang miyembro ng mga di-Israelitang Kenizita (Gen 15:18, 19) na nakisama sa mga inapo ni Jacob (Israel), anupat nag-asawa ng isang babaing Israelita. Gayunman, mas malamang na ang pangalang Kenizita sa kaniyang kaso ay nagmula sa isang ninunong ulo ng Judeanong pamilya na nagngangalang Kenaz, na ipinangalan din sa kapatid ni Caleb.​—Jos 15:17; Huk 1:13; 1Cr 4:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share