KIRIATAIM
[Doblihang Bayan].
1. Isang lunsod sa S ng Jordan. Ito’y itinayo o muling itinayo ng mga Rubenita. (Bil 32:37; Jos 13:15, 19) Nang maglaon ang lunsod ay napasailalim ng kontrol ng Moab. Sa mga hula nina Jeremias (48:1) at Ezekiel (25:9), binanggit ito bilang isang lunsod ng Moab na daranas ng kapahamakan. Mas maaga rito, ipinaghambog ng Moabitang si Haring Mesa noong ikasiyam na siglo B.C.E. na itinayo niya ang Qaryaten (lumilitaw na ang Kiriataim).
Karaniwang sinasabi ng mga iskolar na ito’y nasa lugar na malapit sa Quraiyat, mga 10 km (6 na mi) sa KHK ng Dibon. Gayunman, ang petsa ng mga labí na natagpuan doon ay hindi bago ang unang siglo B.C.E., kaya naman hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito.
2. Isang lugar sa Neptali at ibinigay sa mga Levitikong Gersonita. (1Cr 6:71, 76) Tinawag itong Kartan sa Josue 21:32.—Tingnan ang KARTAN.