KITRON
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “gumawa ng haing usok”].
Isang lunsod kung saan hindi pinalayas ng mga Zebulonita ang mga naninirahang Canaanita. (Huk 1:30) Bagaman may iba’t ibang lokasyon na iminumungkahi para rito, walang isa man sa mga iyon ang tiyak. Maaaring ang sinaunang lunsod na ito sa Zebulon at ang Katat ay iisa.—Jos 19:15.