Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Sala-sala”
  • Sala-sala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sala-sala
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Bintana
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Silid-bubungan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Bahay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Kanilang mga Tirahan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Sala-sala”

SALA-SALA

[sa Ingles, lattice].

Isang balangkas na binubuo ng magkakasangang mga patpat, o mga liston, anupat isang kayariang tila lambat at karaniwang ginagamit na pantakip sa bintana. Sa loob ng maraming siglo, naging pangkaraniwan sa Gitnang Silangan ang mga sala-sala sa bintana. Dahil sa mga ito, napananatiling malamig ang mga bahay, palibhasa’y nahaharangan ang direktang mga sinag ng araw, samantalang nakapapasok naman ang hangin para sa bentilasyon, at nakapagpapaganda rin ang mga ito sa kabuuang hitsura ng mga gusali. Sa unang palapag ng ilan sa mga bahay noong panahon ng Bibliya, may mga bintana na nakaharap sa pinakaloob na looban at may iba naman na nakaharap sa lansangan. Kadalasan, ang mga bintanang nakaharap sa lansangan ay nasa bandang itaas ng dingding o nasa silid-bubungan at may sala-sala.

Mula sa isang bintanang may sala-sala, ang taong nasa loob ng bahay ay makadudungaw sa labas upang tingnan kung ano ang nangyayari roon nang hindi siya nakikita ng mga nasa labas. Sa awit nina Debora at Barak, ang ina ng napatay na si Sisera ay inilalarawan na walang-saysay na nakadungaw mula sa isang bintana at nag-aabang sa kaniyang anak “mula sa sala-sala.” (Huk 5:1, 28) Mula sa isang bintana sa pagitan ng sala-sala, naging posible para sa isang nagmamasid na dumungaw at tanawin ang “isang kabataang lalaki na kapos ang puso” habang nakakatagpo nito ang isang patutot. (Kaw 7:6-13) At, sa Awit ni Solomon (2:9) naman, may binabanggit na “nagmamasid mula sa mga bintana, tumatanaw mula sa pagitan ng mga sala-sala.”

Noon, maliwanag na ang ilan sa mga sala-sala sa bintana ay may bisagra upang ang mga iyon ay maibukas o maisara. Maaaring ang mga bintana ng silid-bubungan ni Daniel, kung saan makikita siyang nananalangin kay Jehova nang tatlong ulit araw-araw, ay may mga sala-sala na naibubukas o naisasara.​—Dan 6:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share