LESEM, BATONG
[sa Ingles, leshem stone].
Isang di-matukoy na mahalagang bato na nasa unang puwesto sa ikatlong hanay ng mga batong hiyas sa “pektoral ng paghatol” ng mataas na saserdote.—Exo 28:15, 19; 39:12.
Iba’t ibang bato, gaya ng amber, jacinto, opal, at tourmaline, ang iminumungkahi para sa “batong lesem,” ngunit hindi mapatunayan ang alinman sa mga pag-uugnay na ito. Dahil dito, hindi isinalin ng Bagong Sanlibutang Salin ang salitang Hebreo kundi pinanatili ito bilang batong lesem.