Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Dala-dalahan”
  • Dala-dalahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dala-dalahan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Bagahe
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kagamitan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Magagawa Mong Higit na Ligtas ang Paglipad
    Gumising!—1993
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—2009
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Dala-dalahan”

DALA-DALAHAN

[sa Ingles, luggage].

Ang terminong Hebreo na keliʹ, kung minsa’y isinasalin bilang “dala-dalahan” at “bagahe,” ay may malawak na pagkakapit. Posibleng ang saligang diwa ng salitang Hebreong ito ay “isang bagay na kinalalagyan; lalagyan.”​—Tingnan ang ARMAS, BALUTI.

Ang isang kampo ng hukbo, mga manlalakbay, yaong mga nagtitipon sa isang kapulungang malayo sa kanilang mga tahanan, at iba pa, ay tiyak na may dala-dalahan, o bagahe, ng mga bagay na kailangan nila. (1Sa 10:21, 22; 17:22; 25:9-13) Nagtatag si David ng alituntunin sa Israel na ang mga lalaking naiwan upang magbantay sa bagahe sa panahon ng mga kampanyang pangmilitar ay dapat tumanggap ng bahagi ng mga samsam ng tagumpay na kapantay niyaong sa mga lalaking mandirigma.​—1Sa 30:21-25.

Ang Ehipto ay sinabihang ihanda ang kaniyang sarili para sa pagkatapon sa pamamagitan ng paggawa ng “bagahe para sa pagkatapon,” yamang tiyak ang pagbagsak niya sa mga kamay ng Babilonya, gaya ng inihula sa pamamagitan ng propetang si Jeremias. (Jer 46:13, 19) Bilang bahagi naman ng makasagisag na pagsasadula ng napipintong pagkatapon ng Jerusalem sa Babilonya, si Ezekiel, samantalang araw na araw, ay naglabas ng “dala-dalahan para sa pagkatapon” mula sa kaniyang bahay.​—Eze 12:1-4, 7-11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share