MAHALALEL
[posible, Kapurihan ng Diyos].
1. Isang inapo ni Set sa pamamagitan ni Enos at ni Kenan; samakatuwid ay apo sa tuhod ni Set. Si Mahalalel ay nabuhay nang 895 taon. (Gen 5:6-17; 1Cr 1:1, 2) Sa talaangkanan ni Jesus ayon kay Lucas, tinutukoy siya sa pangalang Mahalaleel.—Luc 3:37, 38.
2. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Perez at ninuno ni Ataias, isang naninirahan sa Jerusalem pagkabalik mula sa pagkatapon sa Babilonya.—Ne 11:4.