MAHALON
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “manghina; magkasakit”].
Anak nina Elimelec at Noemi. Nang magkaroon ng isang taggutom noong mga araw ng mga Hukom, lumipat sila ng kaniyang mga magulang mula sa Betlehem sa Juda patungo sa Moab. Doon ay napangasawa ni Mahalon ang Moabitang si Ruth, ngunit namatay siyang walang anak. (Ru 1:1-5; 4:10) Bumalik si Ruth sa Juda kasama ng kaniyang biyenang babae at napangasawa si Boaz, bilang pagsunod sa batas ng pag-aasawa sa bayaw. (Ru 4:9, 10; Deu 25:5, 6) Ang linyang ito ng pamilya ang pinanggalingan ni David at umakay tungo kay Jesu-Kristo.—Ru 4:22; Mat 1:5, 6, 16.