MANAHAT
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magpahinga; manatili”].
1. Isang inapo ni Seir sa pamamagitan ni Sobal.—Gen 36:20, 23; 1Cr 1:38, 40.
2. Isang dako kung saan ipinatapon ang “mga anak ni Ehud” na naninirahan sa Geba sa isang di-tiniyak na panahon. (1Cr 8:6) Ipinapalagay ng ilan na ito ang el-Malha (Manahat), mga 6 na km (3.5 mi) sa KTK ng Temple Mount sa Jerusalem.