Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Maresa, Maresha”
  • Maresa, Maresha

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maresa, Maresha
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Laada
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Zepata
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Hebron
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Eter
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Maresa, Maresha”

MARESA, MARESHA

[Lugar sa Bukana (Pinakataluktok)].

1. Inapo ni Juda at tinatawag na “ama” ni Hebron. (1Cr 2:3, 42) Bagaman maaaring ipalagay na si Maresa ang ninuno ng mga naninirahan sa lunsod ng Hebron, malayo itong mangyari yamang ang Hebron na binanggit dito ay may mga anak at sa gayon ay maliwanag na isang tao.​—1Cr 2:43.

2. Inapo ni Juda sa pamamagitan ni Shela. Si Laada ay ipinakikilala bilang “ama ni Maresa.” (1Cr 4:21) Bagaman posible na ang Maresa na ito (o ang kaniyang amang si Laada) ang nagtatag ng bayan ng Maresa, o na siya rin ang Judahita na binanggit sa Blg. 1, hindi tiyak ang mga bagay na ito.

3. Isa sa siyam na lunsod na nasa rehiyon ng Sepela ng Juda. (Jos 15:44) Napakahalaga ng Maresa at ng estratehikong posisyon nito yamang ito ay nasa tabi ng isa sa mga libis na nagsisilbing likas na ruta mula sa baybaying kapatagan paahon sa kabundukan at patungong Hebron. Ipinapalagay na ang Maresa ay ang Tell Sandahannah (Tel Maresha), na mga 1.5 km (1 mi) sa T ng Beit Jibrin (Bet Guvrin).

Ginawa ni Haring Rehoboam, na kahalili ni Solomon, na isang tanggulang lunsod ang Maresa. Dahil dito ay tumibay ang depensa ng Juda laban sa pagsalakay mula sa daang iyon. (2Cr 11:5, 8) Mula sa T, si Zera na Etiope ay sumalakay kasama ang kaniyang pagkalaki-laking hukbo ng isang milyong lalaki. Sinalubong sila ng hukbo ni Haring Asa sa Maresa, at sa lugar na ito naganap ang pagbabaka na nagbunga ng tagumpay ng Juda sa tulong ng Diyos. Tinugis ni Asa ang natalong hukbong Etiope nang mga 35 km (22 mi) patungong Gerar, sa TK ng Maresa. (2Cr 14:9-13) Ang Maresa, o Maresha, ay bayan ng propetang si Eliezer, na may-katumpakang humula na mabibigo ang pakikipagsosyo ni Haring Jehosapat kay Ahazias ng Israel sa negosyong paggawa ng mga barko. (2Cr 20:35-37) Sa hula ni Mikas, na nagbababala ng kaparusahan sa apostatang Juda at Israel, espesipikong binanggit ang Maresa.​—Mik 1:15.

Pagkatapos ng pagkatapon, ang Maresa ay nakilala bilang Marisa. Patuloy itong naging isang napakahalagang lugar, bagaman naging kolonya ng mga Sidonio at moog ng mga Idumeano nang maglaon. Nang dakong huli ay winasak ito ng mga Parto noong 40 B.C.E.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share