Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Ang Imperyo ng Gresya”
  • Ang Imperyo ng Gresya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Imperyo ng Gresya
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Gresya—Ang Ikalimang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Alejandro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Inihula ni Jehova ang Mangyayari sa mga Hari
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Sino ang Mamamahala sa Daigdig?
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Ang Imperyo ng Gresya”

FEATURE

Bumalik ang mga Tapon Mula sa Babilonya

TINUPAD ng kamangha-manghang mga pangyayari sa kasaysayan ng Gresya ang mga hula sa Bibliya. Waring malayong mangyari na ang Gresya ay magiging isang kapangyarihang pandaigdig yamang ang mga bayan nito ay nahahati-hati sa mga tribo at mga estadong-lunsod na may kani-kaniyang pamahalaan.

Ngunit itinampok ng mga hula sa Bibliya na itinala noong ikaanim na siglo B.C.E. ang isang malaking pagbabago. Nang sagisagan ang Gresya una bilang isang leopardo na may mga pakpak at pagkatapos ay bilang isang kambing na lalaki na may isang sungay na kapansin-pansin, inihula nito sa isang malinaw na paraan na yuyurakan ng Gresya ang Kapangyarihang Pandaigdig ng Medo-Persia. Isiniwalat din nito na ang kapangyarihan ng isang “sungay na kapansin-pansin” ay mababali at na apat na iba pa ang tutubo na kahalili nito.​—Dan 7:6; 8:5-8, 20-22; 11:3, 4.

Si Alejandrong Dakila ang “sungay na kapansin-pansin” na iyon. Pasimula noong 334 B.C.E., pinangunahan niya ang isang maliit ngunit disiplinadong hukbong Griego tungo sa sunud-sunod na tagumpay. Palibhasa’y simbilis ng kidlat, nilupig niya ang Asia Minor, Sirya, Palestina, Ehipto, at ang buong Imperyo ng Medo-Persia hanggang sa India. Ngunit sa loob lamang ng ilang taon ay namatay si Alejandro, at sa loob ng maituturing na maikling panahon ay nahati sa apat ang kaniyang imperyo, at napunta sa apat sa kaniyang mga heneral.

Ang Imperyo ng Gresya ay panandalian lamang, ngunit nagtagal ang mga epekto nito. Bago siya namatay, naipalaganap ni Alejandro ang kulturang Griego at ang wikang Griego sa lahat ng nasasakupan niya. Ang karaniwang Griego ay naging lingua franca [karaniwang wika] ng maraming nasyonalidad, at nang maglaon ay nakatulong ito sa mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo sa buong lugar ng Mediteraneo.

[Larawan sa pahina 333]

Ang Atenas; nasa harap ang lugar ng sinaunang agora at nasa likod sa kanan ang akropolis nito. Bagaman hindi na isang kapangyarihang pandaigdig ang Gresya, ang Atenas ay isa pa ring internasyonal na sentrong pangkultura

[Larawan sa pahina 334]

MAPA: Gresya, Ang Pananakop ni Alejandro

[Mapa sa pahina 334]

MAPA: Gresya, Ang Imperyo ng Gresya

Noong 323 B.C.E., sa edad na 32 taóng gulang, si Alejandro ay dinapuan ng lagnat na dulot ng malarya at namatay. Pagsapit ng 301 B.C.E., itinatag ng apat sa kaniyang mga heneral ang kanilang sarili sa kapangyarihan: si Ptolemy Lagus sa Ehipto at Palestina; si Seleucus Nicator sa Mesopotamia at Sirya; si Lysimachus sa Tracia at Asia Minor; at si Cassander sa Macedonia at Gresya (Dan 7:6; 8:8; 11:4)

[Larawan sa pahina 335]

Ang mga palarong Griego, gaya ng ipinakikita dito sa relyebeng natagpuan sa Atenas, ay nauugnay sa relihiyong Griego at nagtataguyod ng Helenismo. Kaya naman isang himnasyo na itinatag sa Jerusalem ang nagpasamâ sa mga kabataang Judio

[Larawan sa pahina 335]

Ipinakikita ng isang bandehadong seramik ang isang baboy na inihahain. Sa isang mabalasik na pagtatangkang dungisan at pawiin ang pagsamba kay Jehova, gumawa si Antiochus IV (Epiphanes) ng gayong paghahain sa isang altar na itinayo sa ibabaw ng malaking altar sa templo ni Jehova sa Jerusalem at pagkatapos ay inialay niya ang templo kay Zeus

[Larawan sa pahina 335]

Barya na may wangis ni Antiochus IV (Epiphanes)

[Larawan sa pahina 336]

Sinaunang Corinto. Ang mga Kristiyano sa unang-siglong kongregasyon dito ay kinailangang makipaglaban sa impluwensiya ng pilosopiyang Griego at sa mga gawain ng relihiyon nito na nakasisira sa moral

[Larawan sa pahina 336]

Malaki ang nagawa ng pilosopo na si Plato, mula sa ikaapat na siglo B.C.E., upang maipalaganap ang Griegong paniniwala sa imortalidad ng kaluluwa

[Larawan sa pahina 336]

Ang Alexandrine Manuscript, sa Griego, noong ikalimang siglo C.E. Ang kalakhang bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ay orihinal na isinulat sa Koine, ang karaniwang Griego

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share