Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Utak sa Buto”
  • Utak sa Buto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Utak sa Buto
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Buto
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hebreo 4:12—“Ang Salita ng Diyos ay Buháy at Mabisa”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • Ang Kamangha-manghang Pulang Selula ng Iyong Dugo
    Gumising!—2006
  • Ang Pagkaliliit na “Trak” ng Iyong Katawan
    Gumising!—2001
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Utak sa Buto”

UTAK SA BUTO

[sa Ingles, marrow].

Isang malambot at matabang vascular na himaymay na nasa loob ng karamihan sa mga buto. May dalawang uri ng utak sa buto, ang dilaw at ang pula. Sa mga adulto, ang mahahaba at mabibilog na mga buto ay punô ng utak na dilaw, o di-aktibo, na pangunahin nang binubuo ng taba, at ang palapad na mga buto naman ng bungo, mga tadyang, ng sternum, at ng balakang ay may utak na pula, o aktibo. Ang pulang utak sa buto ay gumaganap ng mahalagang papel sa paggawa ng dugo. Dito nanggagaling ang mga pulang korpuskulo ng dugo na nagdadala ng oksiheno, ang mahahalagang sangkap na nagpapangyaring mamuo ang dugo na tinatawag na mga platelet, at isang malaking porsiyento ng mga puting korpuskulo, na pangunahin nang nagsisilbing mga panlaban sa impeksiyon. Bilang isang sangkap na gumagawa ng dugo, may tuwirang epekto sa kalusugan at lakas ng isang indibiduwal ang utak sa buto. Kaya naman angkop na inilalarawan ni Job (21:24) ang isang malusog na tao bilang isa na ang utak sa buto ay “nananatiling sariwa.”

Lumilitaw na kinakain ng mga Israelita ang utak sa buto ng hayop. (Ihambing ang Mik 3:2, 3.) Napakasustansiya nito, palibhasa’y mayaman ito sa protina, taba, at iron. Dahil dito, angkop lamang na sa piging ni Jehova para sa lahat ng mga bayan ay may makasagisag na “mga putaheng malangis na punô ng utak sa buto.”​—Isa 25:6.

Sa Hebreo 4:12, “ang salita ng Diyos” ay inihahambing sa isang sandata na mas matalas kaysa sa anumang tabak na may dalawang talim at nakatatagos sa mga kaisipan at mga motibo ng isang indibiduwal, anupat tumatagos, wika nga, hanggang sa utak sa buto, ang kaloob-loobang bahagi ng mga buto.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share