Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Mazarot, Konstelasyon ng”
  • Mazarot, Konstelasyon ng

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mazarot, Konstelasyon ng
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ash, Konstelasyon ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kima, Konstelasyon ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Sodyako
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pagsasamapa sa Kalangitan—Noon at Ngayon
    Gumising!—2000
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Mazarot, Konstelasyon ng”

MAZAROT, KONSTELASYON NG

Iniuugnay ng Aramaikong Targum ang Mazarot sa maz·za·lohthʹ ng 2 Hari 23:5, “mga konstelasyon ng sodyako,” o “labindalawang sagisag, o, konstelasyon.” (NW; panggilid ng KJ) Naniniwala ang ilan na ang salitang ito ay hinalaw sa isang salitang-ugat na nangangahulugang “bigkisan” at na ang Mazarot ay tumutukoy sa bilog ng sodyako. Ngunit sa Job 38:32, isang pang-isahang panghalip ang ginamit sa Hebreo sa pananalitang “sa takdang panahon niyaon,” samantalang ang pagtukoy sa 2 Hari 23:5 ay nasa pangmaramihan. Kaya waring ang Mazarot ay tumutukoy sa isang partikular na konstelasyon sa halip na sa kabuuang bilog ng sodyako, ngunit sa kasalukuyan ay hindi ito posibleng matukoy nang tiyakan.

Sa Job 38:32 ay tinatanong ni Jehova si Job: “Mailalabas mo ba ang konstelasyon ng Mazarot sa takdang panahon niyaon? At kung tungkol sa konstelasyon ng Ash kasama ng mga anak nito, mapapatnubayan mo ba ang mga iyon?” Sa gayon, anuman ang tinutukoy ng partikular na mga konstelasyong ito, inihaharap ng Diyos kay Job ang tanong kung kaya ba niyang kontrolin ang nakikitang mga bagay sa kalangitan, anupat inilalabas ang isang partikular na grupo sa wastong kapanahunan nito o pinapatnubayan ang iba pang konstelasyon sa itinakdang landas nito sa langit.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share