MENUHOT
[Mga Pahingahang-Dako].
Ayon sa tekstong Masoretiko, lumilitaw na isang Judeanong pamilya na nagmula kay Sobal. (1Cr 2:4, 52) Ngunit mas kinikilingan ng ilang iskolar na baguhin ang tekstong Hebreo upang kabasahan ng “mga Manahatita,” gaya ng nasa talata 54. (JB, Mo) At isang Judiong komentaryo sa Mga Cronica ang nagbigay ng isa pang salin na “na nangasiwa sa kalahati ng mga pahingahang-dako” at nagkomento: “Si Sobal ang nangasiwa sa kalahati ng mga himpilan ng mga pulutong na naglalakbay sa lupain ng Juda.”—Soncino Books of the Bible, inedit ni A. Cohen, London, 1952, p. 15.