Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Kumandante ng Militar”
  • Kumandante ng Militar

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kumandante ng Militar
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Opisyal ng Hukbo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Hukbo, I
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Claudio Lisias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Kumandante ng Militar”

KUMANDANTE NG MILITAR

Ang salitang Griego na khi·liʹar·khos (chiliarch) ay nangangahulugang “kumandante ng 1,000 kawal.” Maliban sa pagkagamit nito sa Apocalipsis, tumutukoy ito sa isang tribune ng Romanong militar. May anim na tribune sa bawat hukbong Romano. Gayunman, hindi hinati-hati ang hukbo sa ilalim ng anim na iba’t ibang kumandante. Ang mga tribune ay hinati sa mga pares, at bawat pares ay inatasang mangasiwa sa buong hukbo sa loob ng dalawang buwan ng taon.​—Tingnan ang HUKBO, I (Romano).

Malaking awtoridad ang ipinagkaloob sa gayong kumandante ng militar. Humihirang at nag-aatas siya ng mga senturyon. Nangangasiwa siya sa mga paglilitis ng mga hukumang-militar at maaari siyang maglapat ng kaparusahang kamatayan. Mayroon siyang lupon ng mga tagapaglingkod na nagsisilbing mga katulong. Ang kaniyang ranggo ay makikilala sa kaniyang pananamit: isang purpurang guhit sa kaniyang toga at isang gintong singsing ng karangalan. Dati, ang mga tribune na ito ay inihahalal ng taong-bayan; nang maglaon, ang Senado at ang iba pang mga tauhang sibil at militar ang nagkaroon ng pangunahing pananagutan sa pag-aatas sa kanila. Karaniwan na, ang kahilingan para rito ay sampung taóng paglilingkod sa hukbong panlupa o limang taon sa hukbong mangangabayo. Pinahintulutan ni Augusto ang mga anak ng mga senador na magsimula bilang mga tribune. Inireserba naman ni Tiberio sa kaniyang sarili ang karapatan ng pag-aatas sa kanila.

Noong pagdiriwang ng kaarawan ni Herodes, kabilang ang mga kumandanteng ito sa mga panauhing pandangal na pinalugdan ng mananayaw na si Salome. Sa harap ng gayong mga taong may ranggo, napilitan si Herodes na tuparin ang kaniyang sumpa at sa gayon ay iniutos na pugutan ng ulo si Juan na Tagapagbautismo. (Mar 6:21-26) Isang kumandante ng militar (chiliarch) ang kasama ng mga sundalong umaresto kay Jesus.​—Ju 18:12.

Noong mga 56 C.E., si Claudio Lisias ang kumandante ng militar ng garison sa Jerusalem. Siya ang nagligtas kay Pablo kapuwa mula sa mga mang-uumog at mula sa nagkakagulong Sanedrin at siya rin ang sumulat ng isang liham ng paliwanag para kay Gobernador Felix nang ipuslit si Pablo sa Cesarea. (Gaw 21:30–24:22) May ilang kumandante ng militar na naroroon nang humarap si Pablo kay Herodes Agripa II.​—Gaw 25:23.

Binabanggit din sa pangitain ni Juan, sa aklat ng Apocalipsis, ang “mga kumandante ng militar” bilang kasama sa mga lalapatan ng Diyos ng hatol.​—Apo 6:15; 19:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share