Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Moreset, Moreset-gat”
  • Moreset, Moreset-gat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Moreset, Moreset-gat
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Gat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Gitit
    Glosari
  • Giteo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Filistia, Filisteo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Moreset, Moreset-gat”

MORESET, MORESET-GAT

[Pag-aari ng Gat].

Lumilitaw na bayan ng propetang si Mikas. (Jer 26:18; Mik 1:1) Ang Tell el-Judeideh (Tel Goded), na mga 35 km (22 mi) sa TK ng Jerusalem at mga 10 km (6 na mi) sa TS ng Gat, ay isang posibleng lokasyon nito. Ipinahihiwatig ng tambalang pangalang Moreset-gat (Mik 1:14) na sa paanuman, ang lunsod na ito’y naugnay sa Gat. Marahil ay pinamunuan ito ng Filisteong lunsod na iyon, yamang may iba pang mga lugar na nakontrol ang mga Filisteo bukod sa kanilang limang pangunahing lunsod (isa ang Gat sa limang iyon).​—1Sa 6:18; 27:5.

Itinuturing ng ilan na ang Mikas 1:14 ay isang pagbibigay ng dobleng kahulugan sa pangalang Moreset (na nangangahulugang “Pag-aari”). Sa tekstong ito, ang terminong Hebreo para sa “pamamaalam na mga kaloob” ay tumutukoy sa isang tao o pag-aari na pansamantala o permanenteng isinuko o pinaalis. Kaayon nito, mawawalay sa Sion (Mik 1:13) ang lunsod na ito, at ang Moreset din mismo ang magsisilbing “pamamaalam na mga kaloob.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share