Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Kataas-taasan”
  • Kataas-taasan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kataas-taasan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Diyos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Silid sa Itaas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Panginoon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Kataas-taasan”

KATAAS-TAASAN

Pinakamataas kung tungkol sa dako, o posisyon. Ang salitang Hebreo na ʽel·yohnʹ, na ginagamit upang tumukoy kay Jehova bilang ang “Kataas-taasan,” ay ikinakapit din sa ibang mga persona o mga bagay: Sa Mesiyanikong Hari, ang Lalong Dakilang David, bilang nakahihigit sa ibang mga hari sa lupa (Aw 89:20, 27), sa dakong ipinangako sa Israel na mataas kaysa sa mga bansa (Deu 26:18, 19), sa pinakaibabaw na basket (Gen 40:17), sa mataas na pintuang-daan (2Ha 15:35), sa mataas na tipunang-tubig (2Ha 18:17), sa mataas na looban (Jer 36:10), sa pinakaitaas na palapag (Eze 41:7), sa pinakaitaas na mga silid-kainan (Eze 42:5), Mataas na Bet-horon (Jos 16:5), at sa pinakaitaas na bukal ng tubig ng Gihon (2Cr 32:30). Ipinakikita ng mga paggamit na ito na ang ʽel·yohnʹ ay nagpapahiwatig ng posisyon o kinalalagyan sa halip na kapangyarihan.

Kapag ikinakapit kay Jehova, idiniriin ng terminong “Kataas-taasan” na ang kaniyang posisyon ang pinakamataas sa lahat ng iba pa. (Aw 83:18) Unang lumitaw ang titulong ito sa Genesis 14:18-20 kasama ng ʼEl (Diyos), kung saan si Melquisedec ay tinatawag na “saserdote ng Kataas-taasang Diyos” at sa gayong katungkulan ay pinagpala niya si Abraham at gayundin ang Kataas-taasang Diyos. Ang “Kataas-taasan” ay ginagamit kasama ng banal na pangalang Jehova (Gen 14:22; Aw 7:17) at kasama ng ʼElo·himʹ (Diyos) na anyong pangmaramihan na nagpapahiwatig ng kadakilaan (Aw 78:56), at lumilitaw rin ito nang mag-isa.​—Deu 32:8; Aw 9:2; Isa 14:14.

Ang Aramaikong anyong pangmaramihan na ʽel·yoh·ninʹ ay lumilitaw sa Daniel 7:18, 22, 25, 27, kung saan maaari itong isalin bilang “Kadaki-dakilaan” (NW), anupat ang anyong pangmaramihan ay nagpapahiwatig ng kadakilaan o karingalan. Ang anyong Aramaiko sa pang-isahang bilang, ʽil·laiʹ (Kataas-taasan), ay ginagamit sa Daniel 7:25.

Ang salitang Griego na hyʹpsi·stos (Kataas-taasan), na ikinakapit kay Jehova, ay pangunahin nang ginagamit ni Lucas, sa kaniyang Ebanghelyo (dalawang beses sa patalastas ni Gabriel kay Maria tungkol sa kapanganakan ni Jesus) at sa Mga Gawa. (Luc 1:32, 35, 76; 6:35; 8:28; Gaw 7:48; 16:17) Ang iba pang mga paglitaw nito ay nasa Marcos 5:7 at Hebreo 7:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share