Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Busal”
  • Busal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Busal
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Paggigiik
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kagamitan sa Paggiik
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Busal ng Toro
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Paggiik; Giikan
    Glosari
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Busal”

BUSAL

Isang kasangkapang dinisenyo bilang pantakip sa bibig ng hayop upang hindi ito makakagat o makakain.

Sa sinaunang Palestina, mga baka ang kadalasang ginagamit kapag maraming butil ang gigiikin. Bilang paghahanda, kinakalag ang mga tali ng mga tungkos at inilalatag ang mga ito sa ibabaw ng pinikpik na sahig ng giikan hanggang sa makagawa ng isang makapal na suson ng mga tungkos. Pagkatapos, payuyurakan sa mga paa ng isa o mahigit pang hayop ang mga butil o kaya’y gigiikin ito sa pamamagitan ng isang panggiik na kareta o ng iba pang kasangkapan na pinararaan nila sa ibabaw nito. Iniutos ng Kautusang Mosaiko: “Huwag mong bubusalan ang toro habang ito ay gumigiik.” (Deu 25:4) Sa gayo’y hindi ito pinagkakaitang kumain ng mga butil na pinagpapagalan nitong giikin.​—Ihambing ang Kaw 12:10.

Maaari ring ikapit ang simulaing nasasangkot sa Deuteronomio 25:4 sa mga taong nagpapagal. Sinabi ni Pablo kay Timoteo: “Ang matatandang lalaki na namumuno sa mahusay na paraan ay kilalaning karapat-dapat sa dobleng karangalan, lalo na yaong mga nagpapagal sa pagsasalita at pagtuturo.” Pagkatapos, upang pagtibayin ang kaniyang payo, sinipi ng apostol ang kautusan na hindi dapat busalan ang toro kapag gumigiik ito ng butil. (1Ti 5:17, 18) Gayundin, bilang bahagi ng pangangatuwiran ni Pablo upang ipakita sa mga taga-Corinto na “ipinag-utos ng Panginoon na yaong mga naghahayag ng mabuting balita ay mabuhay sa pamamagitan ng mabuting balita,” sinipi niya ang Deuteronomio 25:4 at pagkatapos ay sumulat siya: “Mga toro ba ang pinagmamalasakitan ng Diyos? O talaga bang para sa ating kapakanan kaya sinasabi niya iyon? Tunay ngang nakasulat iyon para sa ating kapakanan, sapagkat ang taong nag-aararo ay dapat na mag-araro na may pag-asa at ang taong gumigiik ay dapat na gumawa nito sa pag-asang maging kabahagi.”​—1Co 9:8-14.

Ginamit ng salmistang si David ang “busal” sa makasagisag na paraan nang sabihin niyang naglalagay siya nito bilang bantay sa kaniyang bibig upang huwag siyang magkasala.​—Aw 39:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share