NAAMATITA
[Ng (Mula sa) Naama].
Isang katawagang ikinapit sa kasamahan ni Job na si Zopar. (Job 2:11; 11:1; 20:1; 42:9) Ipinakikilala rin ng katawagang ito ang kaniyang pamilya o ang lugar na kaniyang tinitirahan. Ang Djebel-el-Naʽameh sa HK Arabia ay iminumungkahi bilang posibleng lokasyon ng tahanan ni Zopar.