NAHALIEL
[Agos (Agusang Libis) ng Diyos].
Isang lugar na pinagkampuhan ng mga Israelita bago nila nakalaban ang Amoritang si Haring Sihon. (Bil 21:19-24) Ayon sa Onomasticon ni Eusebius, ito’y malapit sa Arnon. Kaya naman, ang Nahaliel ay karaniwang iniuugnay sa alinman sa dalawang wadi na ito, ang Wala (na sangang-ilog ng Arnon) at ang Zarqa Maʽin na mga 19 na km (12 mi) sa H ng Arnon. May mga lokasyon sa mga wadi na ito na tumutugma sa iminumungkahing lugar ng Matana at Bamot. Lumilitaw na nasa pagitan ng dalawang kampamentong ito ng mga Israelita ang Nahaliel.