NAHAT
[Kapahingahan; Katahimikan].
1. Shik ng Edom, anak ni Reuel at apo ni Esau at ng asawa nitong si Basemat, anak ni Ismael.—Gen 36:2-4, 13, 17.
2. Isang Levita, inapo ni Kohat, at ninuno ni Samuel. (1Cr 6:16, 22-28) Lumilitaw na tinatawag din siyang “Tohu” at “Toa.”—1Sa 1:1; 1Cr 6:33-35.
3. Isang Levita na inatasan ni Haring Hezekias bilang komisyonado upang tulungan sina Conanias at Simei na pangasiwaan “ang abuloy at ang ikasampu at ang mga banal na bagay” na dinadala sa templo.—2Cr 31:12, 13.