NAPTUHIM
Nakatalang kabilang sa mga inapo ni Mizraim, ang anak ni Ham. (Gen 10:6, 13, 14; 1Cr 1:11, 12) Gaya ng iba pang mga pangalan sa talaang ito, kadalasang itinuturing ng mga iskolar na ang waring anyong pangmaramihan ay nagpapahiwatig ng isang tribo o grupo ng mga tao. Yamang ipinapalagay na hinalaw ang pangalang ito mula sa heograpikong kaugnayan nito, madalas iugnay ng mga iskolar ang Naptuhim sa isang Ehipsiyong parirala na nangangahulugang “yaong mga mula sa Delta,” at ayon sa saligang ito, ang Naptuhim ay inilakip sa mga tumatahan sa Mababang (hilagang) Ehipto. Ang kawastuan ng mga pangmalas na ito ay hindi pa natitiyak.