NEBAIOT
Ang panganay sa 12 anak na lalaki ni Ismael at pinagmulan ng isa sa prominenteng mga tribong Arabe. (Gen 25:13-16; 1Cr 1:29-31) Ang kapatid na babae ni Nebaiot na si Mahalat (o posibleng si Basemat) ay napangasawa ng kanilang pinsang si Esau. (Gen 28:9; 36:2, 3) Ang mga inapo ni Nebaiot ay hindi nakilalang nanirahan sa alinmang espesipikong lokasyon; malamang na sila ay pagala-gala, anupat gumagala-gala na gaya ng mga Bedouin kasama ang kanilang mga kawan. Noong panahon ni Isaias, “ang mga kawan ng Kedar” (si Kedar ay kapatid ni Nebaiot) at “ang mga barakong tupa ng Nebaiot” ay pinag-ugnay sa isang hula na patiunang nagsasabi kung paanong ang gayong mga hayop ay magsisilbing sinang-ayunang mga hain sa altar ni Jehova.—Isa 60:7.
Sinikap na iugnay ng ilang iskolar ang mga inapo ni Nebaiot sa mga Nabateanong nabuhay nang dakong huli, ngunit ang katibayang sumusuporta sa gayong mungkahi ay hindi sapat.