NEBALAT
Isang lugar na tinirahan ng mga Benjamita pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:31, 34) Karaniwang ipinapalagay na ang Nebalat ay ang Beit Nebala (Horvat Nevallat). Palibhasa’y nasa isang mababang burol na mga 6 na km (3.5 mi) sa SHS ng makabagong Lida (Lod), matatanaw mula sa Beit Nebala ang TS dulo ng Kapatagan ng Saron.