Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Nebuzaradan”
  • Nebuzaradan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nebuzaradan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ab
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Nabucodonosor, Nabucodorosor
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Jehoiakin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pagkatapon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Nebuzaradan”

NEBUZARADAN

[mula sa wikang Babilonyo, nangangahulugang “Si Nebo ay Nagbigay ng Supling”].

Pinuno ng tagapagbantay at pangunahing tauhan sa mga hukbo ni Nabucodonosor nang aktuwal na wasakin ang Jerusalem noong 607 B.C.E. Waring si Nebuzaradan ay wala roon nang panahong unang kubkubin at pasukin ang Jerusalem, sapagkat mga isang buwan pa ang lumipas bago siya “dumating sa Jerusalem,” pagkatapos na si Haring Zedekias ay dalhin kay Nabucodonosor at bulagin.​—2Ha 25:2-8; Jer 39:2, 3; 52:6-11.

Mula sa labas ng lunsod, pinangasiwaan ni Nebuzaradan ang mga pagkilos ng mga Babilonyo sa pagwasak sa lunsod, na nagsimula “noong ikapitong araw ng buwan” (ang ikalimang buwan, Ab), at kabilang dito ang pagsamsam sa mga kayamanan ng templo, paggiba sa pader, pag-aasikaso sa mga bihag, at pagpapahintulot sa ilan sa mga maralita na manatili roon. (2Ha 25:8-20; Jer 39:8-10; 43:5, 6; 52:12-26) Pagkaraan ng tatlong araw, noong ikasampung araw ng buwan, lumilitaw na si Nebuzaradan ay “dumating sa Jerusalem” (“pumasok sa Jerusalem,” RS, JB) at, pagkatapos magsiyasat, sinunog niya ang bahay ni Jehova at pinaging abo ang lunsod. (Jer 52:12, 13) Sinabi ni Josephus na nang mismong araw ring iyon, na ikasampung araw ng ikalimang buwan, nang sunugin ang templo ni Solomon, ay sinunog din ang templong muling itinayo ni Herodes, noong 70 C.E.​—The Jewish War, VI, 250 (iv, 5); VI, 268 (iv, 8); tingnan ang AB.

Sa utos ni Nabucodonosor, pinalaya ni Nebuzaradan si Jeremias at kinausap ito nang may kabaitan, anupat pinamili ito kung ano ang nais nitong gawin, inalok na aalagaan niya ito at pinagkalooban ito ng mga panustos. Si Nebuzaradan ay naging tagapagsalita rin para sa hari ng Babilonya sa pag-aatas kay Gedalias bilang gobernador niyaong mga nanatili roon. (2Ha 25:22; Jer 39:11-14; 40:1-7; 41:10) Pagkaraan ng mga limang taon, 602 B.C.E., dinala ni Nebuzaradan ang iba pang mga Judio tungo sa pagkatapon, lumilitaw na yaong mga tumakas patungo sa mga nakapalibot na teritoryo.​—Jer 52:30.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share