KARAYOM
Isang pahaba at payat na kasangkapan na matulis sa isang dulo at may butas naman sa kabilang dulo; ginagamit sa pagtatahi kasama ng sinulid (o kung minsan ay mga hibla ng katad) at sa pagbuburda. (Exo 28:6; 35:34, 35; Ec 3:7; Luc 5:36) Bagaman sa sinaunang mga lugar ay may natuklasang mga karayom na yari sa buto at ng ilan na gawa sa garing, mga karayom na bronse ang karaniwang ginagamit noon. Kahawig na kahawig ang mga ito ng makabagong-panahong mga karayom. Mga karayom na bronse na iba’t iba ang haba mula 4 hanggang 14 na sentimetro (1.5 hanggang 5.5 pulgada) ang natagpuan sa Palestina. Ang ilang karayom na bronse ng mga Ehipsiyo ay may haba na mula 8 hanggang 9 na sentimetro (3 hanggang 3.5 pulgada).