Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Karayom, Butas ng”
  • Karayom, Butas ng

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Karayom, Butas ng
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Nagkakaproblema Ka Ba sa Iyong Makina?
    Gumising!—1985
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Karayom, Butas ng”

KARAYOM, BUTAS NG

Sa isang ilustrasyon may kinalaman sa pagpasok sa Kaharian, sinabi ni Jesu-Kristo: “Mas madali pa sa isang kamelyo na makalusot sa butas ng karayom kaysa sa isang taong mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos.” (Mat 19:24; Mar 10:25) Ipinapalagay ng ilan na ang butas ng karayom na tinutukoy ay isang maliit na pintuang-daan na madaraanan ng isang kamelyo, bagaman may kahirapan, kapag inalisan ito ng pasan. Gayunman, ang salitang Griego para sa “karayom” na masusumpungan sa Mateo 19:24 at Marcos 10:25 (rha·phisʹ) ay hinalaw sa isang pandiwa na nangangahulugang “tahiin.” Bukod diyan, ang salitang Griego na lumilitaw sa katulad na ulat ng Lucas 18:25 (be·loʹne) ay ginagamit upang tumukoy sa isang literal na karayom na pantahi sa sugat. May kinalaman sa mga terminong Griegong ito, binanggit ng Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words: “Ang ideya na ang ‘butas ng karayom’ ay kumakapit sa maliliit na pintuang-daan ay waring makabago; walang bakas ng ideyang ito noong sinaunang panahon. Layunin ng Panginoon sa pananalitang iyon na ipahayag ang isang bagay na imposible para sa mga tao at hindi na kailangang padaliin ang mahirap na bagay na iyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang kahulugan sa karayom maliban sa isang ordinaryong instrumento.”​—1981, Tomo 3, p. 106.

Bilang isang hyperbole, idiniin ng ilustrasyon kung gaano kahirap para sa mga taong mayaman hindi lamang basta ang magsimulang maglingkod sa Diyos kundi ang aktuwal na makapasok sa Kaharian.​—1Ti 6:17-19; Luc 13:24.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share