NETOPA
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “tumulo; pumatak”], Mga Netopatita.
Isang maliit na nayon ng Juda na malamang ay nasa Khirbet Bedd Faluh, mga 4 na km (2.5 mi) sa TTS ng Betlehem. Mga naninirahan sa Netopa. Pangunahing binabanggit ng Bibliya ang mga Netopatita. Ang mga ito noong una ay lumilitaw na kamag-anak ng mga nanirahan sa Betlehem.—1Cr 2:54.
Kabilang sa mga Netopatita ang makapangyarihang mga lalaki ni David na sina Maharai at Heleb (Heled; Heldai), na parehong naging mga ulo ng mga pangkat ng hukbo. (2Sa 23:8, 28, 29; 1Cr 11:26, 30; 27:13, 15) Pagkatapos ng pangkalahatang pagpapatapon sa Babilonya, may mga Netopatitang naiwan sa Juda, at sinuportahan nila si Gobernador Gedalias. (2Ha 25:23; Jer 40:8) Maraming inapo ng mga Netopatitang dinala sa Babilonya ang bumalik kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 22; Ne 7:26) Ang ibang mga Levita na nanirahan sa mga pamayanan ng mga Netopatita ay pumaroon sa Jerusalem noong pasinayaan ang muling-itinayong pader.—1Cr 9:14, 16; Ne 12:27, 28.