KANAL NG NILO, MGA
Mga kanal na pang-irigasyon na nagsasanga mula sa ilog ng Nilo. (Exo 7:19; 8:5; Aw 78:44) Ang salitang Hebreo para sa mga kanal ng Nilo (yeʼo·rimʹ) ay ang anyong pangmaramihan ng yeʼorʹ (ang ilog ng Nilo). Ang ekonomiya ng Ehipto ay lubusang umaasa sa Nilo, na naglalaan ng tubig para sa irigasyon sa isang lupain na halos walang ulan at laging umaapaw sa lupain, anupat nag-iiwan ng deposito ng matabang banlik. Ang panustos na pagkain ng bansa ay nakasalalay sa kaayusang ito. Kaya ang pagpapaging-dugo sa tubig na ito ay nagbunga ng pambansang kapahamakan, kung paanong ang pagkatuyo ng mga kanal ng Nilo ay magbabadya ng kasakunaan.—Isa 19:6; tingnan ang NILO.