NOBA
1. [mula sa pandiwang salitang-ugat na nangangahulugang “tumahol”]. Isang Israelita. Malamang ay mula siya sa tribo ni Manases. Siya ang bumihag sa Kenat at sa mga sakop na bayan nito. Pagkatapos ay isinunod niya sa kaniyang pangalan ang pangalan ng lunsod.—Bil 32:42.
2. Isang lunsod sa S ng Jordan. Binihag ito ni Noba. (Bil 32:39, 42) Maliwanag na hindi nanatili ang pangalang Noba, sapagkat nang maglaon ay tinawag ito sa orihinal na pangalan nito na Kenat. (1Cr 2:23) Karaniwang ipinapalagay na ang mga guho sa Qanawat, mga 90 km (60 mi) sa TTS ng Damasco, ay ang sinaunang lugar na ito.
3. Isang lugar na nasa S ng Jordan at malapit sa Jogbeha sa Gad. (Bil 32:34, 35; Huk 8:11) Hindi alam sa ngayon kung saan ang eksaktong lokasyon nito.