Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Oded”
  • Oded

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Oded
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • “May Gantimpala Para sa Inyong mga Gawa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Asa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Samantalahin ang Panahon ng Kapayapaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Azarias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Oded”

ODED

[[Ang Diyos ay] Nagpaginhawa].

1. Ama ng propetang si Azarias. (2Cr 15:1) Sinasabi ng 2 Cronica 15:8 na si Oded mismo ay propeta: “At nang marinig ni Asa ang mga salitang ito at ang hula ni Oded na propeta.” Inaalis ng ilang iskolar ang mga salitang “ni Oded na propeta” diumano’y dahil pagkakamali ito ng tagakopya, ngunit hindi nito ipinaliliwanag kung bakit sinasabi ng manunulat na narinig ni Asa “ang mga salitang ito at ang hula.” Ang iba ay gumagawa ng pagdaragdag upang kabasahan ng, “Narinig ni Asa ang mga salitang ito at ang hula ni Azarias na anak ni Oded,” upang maging katugma ng Griegong Septuagint (Alexandrine Codex), Syriac na Peshitta, at ng Latin na Vulgate (mapanuring rebisyon ni Clement), ngunit hindi pa rin nito naipaliliwanag ang nabanggit na suliranin. Ang ikatlong solusyon ay tanggapin ang aktuwal na sinasabi ng tekstong Masoretiko, na nagpapahiwatig na si Oded mismo ay bumigkas ng hula na hindi iniulat sa rekord. Binigyang-pansin ni Asa ang mga salita ni Azarias (2Cr 15:2-7) at pati ang sa ama nito na si Oded.

2. Isang propeta ng Samaria noong panahong nagpang-abot ang mga paghahari ni Peka ng Israel at ni Ahaz ng Juda (762-mga 759 B.C.E.). Matapos na lubusang talunin ng Israel at ng Sirya ang Juda, 200,000 bihag mula sa timugang kaharian ang dinala patungo sa Samaria. Gayunman, sinalubong ni Oded ang matagumpay na hukbo at binabalaan sila tungkol sa poot ng Diyos kung aalipinin nila ang kanilang mga kapatid. ‘Tutal,’ ang paliwanag niya, ‘dahil lamang sa kabalakyutan ng Juda kung kaya pinahintulutan kayo ni Jehova na talunin sila. Ngayon ay huwag ninyo silang gawing mga lingkod ninyo anupat pasapitin ang pagngangalit ni Jehova sa inyo; ibalik ninyo ang mga bihag!’ Sinuportahan si Oded ng apat na lider na Efraimita, at ang mga bihag ay inasikaso at pinauwi.​—2Cr 28:5-15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share