OHOLIBAMA
[Tolda ng Mataas na Dako].
1. Isang Canaanitang asawa ni Esau. Ipinanganak niya kay Esau ang tatlong lalaki, sina Jeus, Jalam, at Kora, na pawang naging mga shik ng Edom. Si Oholibama ay anak ni Anah at apo ng Hivitang si Zibeon.—Gen 36:2, 5-8, 14, 18, 25; tingnan ang ANAH.
2. Ang katawagan sa isang Edomitang shik; ikinakapit ng ilang iskolar ang nakatalang mga pangalang ito sa mga lugar, anupat naniniwalang ang mga ito ay dapat kabasahan ng, “shik ng Oholibama,” at iba pa.—Gen 36:40, 41; 1Cr 1:51, 52.