PALTIEL
[Ang Diyos ang Tagapaglaan Ko ng Pagtakas].
1. Kinatawan ng Isacar noong panahong hinati-hati ng mga tribo ang Lupang Pangako sa mga bahaging mana; anak ni Azan.—Bil 34:17, 18, 26.
2. Anak ni Lais na mula sa Galim. Matapos ituring si David bilang kriminal, kinuha ni Saul ang anak niyang si Mical, na asawa ni David, at ibinigay ito sa pag-aasawa kay Palti (Paltiel). (1Sa 25:44) Matapos siyang gawing hari, iniutos ni David kina Abner at Is-boset na ibalik sa kaniya si Mical. Lubha itong nakapighati kay Paltiel, anupat sinundan si Mical habang tumatangis, hanggang sa utusan siya ni Abner na umuwi.—2Sa 3:13-16.