PIKOTA
[sa Ingles, pillory].
Isang kasangkapan kung saan iniipit ang leeg at mga bisig; ginagamit upang parusahan ang mga manlalabag sa pamamagitan ng paglalantad sa kanila sa panunuya ng madla. Sa Jeremias 29:26, ang “pikota” ay isinalin mula sa salitang Hebreo na tsi·noqʹ.
Mula sa pagkatapon sa Babilonya, sinulatan ng bulaang propeta na si Semaias ang mga saserdote sa Jerusalem, anupat hinimok niya sila na sawayin si Jeremias at ilagay ito sa pikota.