ALAMO, AGUSANG LIBIS NG MGA
Sa Isaias 15:7, inilalarawan ng propeta na ang mga Moabita ay tumakas na dala-dala ang kanilang mga ari-arian patawid sa “agusang libis ng mga alamo.” Kung ang mga ito ay tumakas patungong T, gaya ng waring nangyari, lumilitaw na ang agusang libis ng mga alamo ay ang “agusang libis ng Zered” (Bil 21:12; Deu 2:13), na nagsilbing hangganan ng Moab at Edom sa T. Karaniwang ipinapalagay na ang agusang libis ng Zered ay ang Wadi el-Hasaʼ, na umaagos patungo sa dulong T ng Dagat na Patay. Ang ibabang agos nito ay dumaraan sa isang maliit na kapatagan na medyo matubig ang ilang bahagi at sa gayo’y mabubuhay roon ang mga alamo.—Tingnan ang ZERED, AGUSANG LIBIS NG.