PINUNONG TAGAPANGASIWA
[sa Ingles, quartermaster].
Posibleng ang opisyal na nangangasiwa sa mga rasyon at mga suplay para sa mga pulutong. Ang isang literal na salin ng Hebreong sar menu·chahʹ ay “prinsipe ng pahingahang-dako” at maaari itong tumukoy sa isa na nangangasiwa sa mga tuluyan ng hari kapag ito’y nasa isang kampanya o paglalakbay. Bilang pinunong tagapangasiwa ni Haring Zedekias ng Juda, sinamahan ni Seraias si Zedekias sa paglalakbay patungong Babilonya noong ikaapat na taon ng paghahari nito, anupat dala-dala niya ang nakasulat na hula ni Jeremias laban sa Babilonya. Pagkatapos niya itong basahin nang malakas sa lunsod na iyon, itinali ito ni Seraias sa isang bato at inihagis sa Eufrates, bilang sagisag ng pagbagsak ng Babilonya sa hinaharap, anupat hindi na iyon muling lilitaw.—Jer 51:59-64.