RABSARIS
[Punong Opisyal ng Korte].
Ang titulo ng punong opisyal ng korte sa mga pamahalaan ng Asirya at Babilonya. Ang Rabsaris ay isang miyembro ng komite na binubuo ng tatlong matataas na dignitaryo ng Asirya na isinugo ng hari ng Asirya upang hingin ang pagsuko ng Jerusalem noong panahon ni Haring Hezekias.—2Ha 18:17.
Nang bumagsak ang Jerusalem noong 607 B.C.E., ang Rabsaris ay isa sa mga opisyal na Babilonyo na kumontrol sa lunsod para kay Nabucodonosor, at binabanggit na si Nebusazban ang Rabsaris noong tagubilinan si Jeremias na tumahang kasama ni Gedalias. (Jer 39:3, 13, 14; 40:1-5) May nahukay na mga inskripsiyon na nagtataglay ng titulong ito.—Bulletin of the Israel Exploration Society, Jerusalem, 1967, Tomo XXXI, p. 77; Le palais royal d’Ugarit, III, Paris, 1955, Blg. 16:162, p. 126.