RAPA
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “pagalingin”].
Isang anak ni Benjamin, tinawag na ikalimang anak nito sa 1 Cronica 8:1, 2. Ang pangalan niya ay wala sa talaan ng mga pumaroon sa Ehipto (Gen 46:21) at sa talaan ng mga pantribong pamilya ng Benjamin. (Bil 26:38-40) Maaaring ipinahihiwatig nito na, saanman ipinanganak si Rapa, di-nagtagal ay namatay siya na walang mga inapo, o kaya ay napasanib ang mga ito sa ibang pamilya.