Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Repaim, Mga”
  • Repaim, Mga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Repaim, Mga
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Zamzumim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Repaim, Mababang Kapatagan ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Higante
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Goliat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Repaim, Mga”

REPAIM, MGA

Matatangkad na tao o tribo. Hindi matiyak ang kahulugan at pinanggalingan ng pangalang ito. Malamang, tinawag silang mga Repaim dahil sa pagiging mga inapo ng isang lalaking nagngangalang Rapah. Sa 2 Samuel 21:16 waring nakapaloob sa ha·Ra·phahʹ (sa literal, ang Rapah) ang pangalan ng ama upang kumatawan sa buong lahi ng mga higante.

Noong maagang yugto ng panahon, maliwanag na nanirahan ang mga Repaim sa S ng Dagat na Patay. Tinukoy ng mga Moabita na nagtaboy sa kanila ang mga Repaim bilang Emim (“Nakatatakot na mga Bagay”). Tinawag silang Zamzumim (posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “isaisip; magpakana”) ng mga Ammonita. (Deu 2:10, 11, 19, 20) Nang pumaroon si Haring Kedorlaomer ng Elam sa K upang labanan ang limang mapaghimagsik na hari malapit sa Dagat na Patay (anupat dinalang bihag si Lot), tinalo niya ang mga Repaim sa Asterot-karnaim. (Gen 14:1, 5) Ipinakikita nito na ang kinaroroonan ng mga Repaim nang panahong iyon ay sa Basan, sa S ng Jordan. Di-nagtagal pagkaraan nito ay sinabi ng Diyos na ibibigay niya sa mga inapo ni Abraham ang Lupang Pangako, kabilang na rito ang teritoryo na tinitirahan ng mga Repaim.​—Gen 15:18-20.

Pagkaraan ng mahigit na 400 taon, bago pumasok ang Israel sa Canaan, ang “lupain ng mga Repaim” ay iniuugnay pa rin sa Basan. Doon tinalo ng mga Israelita si Og na hari ng Basan (Deu 3:3, 11, 13; Jos 12:4; 13:12), na tanging “nalabi sa natira sa mga Repaim.” Hindi matiyak kung nangangahulugan ito na siya ang huling hari ng mga Repaim o na siya ang huling Repaim sa dakong iyon, sapagkat di-nagtagal ang mga Repaim ay nakita sa K ng Jordan.

Sa Lupang Pangako ay nagkaproblema ang mga Israelita sa mga Repaim, sapagkat ang ilan sa kanila ay nanatili sa mga kagubatan ng bulubunduking pook ng Efraim. Takót ang mga anak ni Jose na itaboy sila. (Jos 17:14-18) Nang makipaglaban si David sa mga Filisteo, pinabagsak niya at ng kaniyang mga lingkod ang apat na lalaking “ipinanganak sa mga Repaim sa Gat.” Ang isa sa kanila ay inilarawan bilang “isang lalaki na pambihira ang laki na ang mga daliri sa kamay at paa ay animan, dalawampu’t apat.” Ipinahihiwatig ng paglalarawan sa kanilang baluti na silang lahat ay mga lalaking may kalakihan. Ang isa sa mga ito ay si “Lami na kapatid ni Goliat na Giteo.” (1Cr 20:4-8) Ang Goliat na ito, na pinatay ni David, ay may taas na anim na siko at isang dangkal (2.9 na m; 9.5 piye). (1Sa 17:4-7) Ang ulat sa 2 Samuel 21:16-22 ay kababasahan ng “Goliat,” sa halip na “kapatid ni Goliat,” gaya ng nasa 1 Cronica 20:5, na maaaring nagpapahiwatig na may dalawang Goliat.​—Tingnan ang GOLIAT.

Ang Hebreong repha·ʼimʹ ay ginagamit sa isa pang diwa sa Bibliya. Kung minsan ay maliwanag na kumakapit ito, hindi sa espesipikong mga tao, kundi doon sa mga patay na. Sa pag-uugnay ng salitang ito sa salitang-ugat na nangangahulugang “lumaylay, magrelaks,” ipinapalagay ng ilang iskolar na nangangahulugan ito ng “nakalubog, mga walang lakas.” Sa mga teksto na may ganitong diwa, isinalin ito ng Bagong Sanlibutang Salin bilang “yaong mga inutil sa kamatayan,” at maraming iba pang salin ang gumamit ng saling gaya ng “patay na mga bagay,” “namatay,” at “patay.”​—Job 26:5; Aw 88:10; Kaw 2:18; 9:18; 21:16; Isa 14:9; 26:14, 19.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share