REPTILYA
Ang reptilya ay isang hayop na malamig ang dugo, may gulugod, at lumalanghap ng hangin. Ang terminong Hebreo para sa mga reptilya ay nanggaling sa pandiwang za·chalʹ, nangangahulugang “sumalimbay.” Ayon sa Deuteronomio 32:24, kasama sa mga bagay na magdudulot ng kabagabagan sa idolatrosong Israel “ang kamandag ng mga reptilya sa alabok,” anupat maliwanag na tumutukoy sa makamandag na mga ahas. (Ihambing ang Jer 8:17.) Sa Mikas 7:17, ang mga bansang dadaigin ng kapangyarihan ng Diyos ay tinutukoy na lumalabas mula sa kanilang mga balwarte gaya ng nabulabog na mga reptilya.
Maliban sa mga serpiyente, ang iba pang mga reptilya na binanggit sa Bibliya ay ang hunyango, ang tuko at iba pang mga bayawak.—Tingnan ang mga komento sa ilalim ng kani-kanilang indibiduwal na pangalan.