Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pagsasauli”
  • Pagsasauli

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagsasauli
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • 9E Ang Panahon Para “Ibalik sa Dati ang Lahat ng Bagay”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
  • Ang “mga Panahon ng Pagsasauli” ay Malapit Na!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • “Bibigyan Ko Sila ng Iisang Puso”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pagsasauli”

PAGSASAULI

Pagpapanumbalik ng dating kalagayan. May kaugnayan sa pagbabalik ni Kristo, kapansin-pansin na ang Kasulatan ay bumabanggit ng “mga panahon ng pagsasauli [isang anyo ng Gr., a·po·ka·taʹsta·sis] ng lahat ng mga bagay na sinalita ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta.”​—Gaw 3:20, 21.

Sa tekstong ito, ang a·po·ka·taʹsta·sis ay isinalin ng Ingles na King James Version bilang “restitution.” Ang salitang Griegong ito mismo ay nagmula sa a·poʹ, na nangangahulugang “pabalik” o “muli,” at ka·thiʹste·mi, na literal na nangangahulugang “ilapag.” Sa Gawa 1:6, ang katumbas nito na anyong pandiwa ay isinalin bilang ‘isauli.’ Sinabi ng Theological Dictionary of the New Testament, inedit ni G. Kittel, na ang saligang kahulugan ng terminong ito ay “pagbabalik sa dating kalagayan” o “pagsasauli.” (Isinalin ni G. Bromiley, 1964, Tomo I, p. 389) Ginamit ito ng Judiong istoryador na si Josephus nang tukuyin niya ang pagbabalik ng mga Judio mula sa pagkatapon. Sa mga akdang nakasulat sa papiro, ginamit ito may kaugnayan sa pagkukumpuni ng ilang gusali, pagsasauli ng mga ari-arian sa mga legal na may-ari, at pagbabalanse ng mga kuwenta.

Yamang hindi espesipikong sinasabi ng Gawa 3:21 kung anong mga bagay ang isasauli, dapat alamin kung ano ang “lahat ng mga bagay” na iyon sa pamamagitan ng pag-aaral sa mensahe ng Diyos na sinalita sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share