REU
[Kasamahan; Kaibigan].
Anak ni Peleg at ama ni Serug; isang kawing sa talaangkanan sa pagitan ni Sem at ni Abraham. (1Cr 1:24-27) Si Reu, na nabuhay nang 239 na taon (2239-2000 B.C.E.), ay isa ring ninuno ni Jesu-Kristo.—Gen 11:18-21; Luc 3:35.